Komunikasyon at  Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang  Semestre, 2016-2017




Reaksyon sa:

Komunikasyon

Ayon kay Webster, ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Ito ay nangangahulugan na ang komunikasyon ay sumisimbolo sa proseso ng interaksyon sa isang tao o higit pa. Ito ay nagagawa sa madaming paraan, pasulat, pasalita o paggamit ng simbolo.

Bilang isang mag-aaral, aking napagtanto na ang komunikasyon ay napakahalaga sa ating buhay. Sapagkat ito ay  isang interaksyon o uri ng pakikipagpalitan ng ideya. Halos araw-araw, tayo ay nakikipagusap sa ibang tao at maging ang ating katawan ay nagkakaroon rin ng komunikasyon. At mas napapabilis pa ngayon ang pakikipagkomunikasyon sa mga tao dulot ng makabagong teknolohiya.


Ang Etnograpiya ng Komunikasyon

Ang etnograpiya ng komunikasyon ay pinasimulan ni Dell Hymes noong 1962. Ito ay isa sa mga teoryang pandiskurso. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa kakayahang komunikatibo ng tagapagsalita higit sa kakayahang gramatika ng wika na ginagamit sa diskurso. Mahalagang salik rin dito ang pag-aangkop ng tradisyon o kultura ng taong sangkot sa diskurso.

Ayon sa aking pagkakaunawa, ang etnograpiya ng komunikasyon ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao kung paano niya gagamitin ang wika sa isang mabisang paraan. Mahalaga ring maunawaan ang kultura o tradisyon ng isang kalahok sa diskurso. Ito ay kinakailangan upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.


Larangan ng Pragmatiks

Batay sa aking pagkakaunawa, ang larangan ng pragmatiks ay tumutukoy sa kaangkupan ng gamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon. Mahalagang malaman natin ang angkop na gamit ng wika upang ito ay mabigyan ng tamang pag-unawa o kahulugan. Sa isang partikular na sitwasyon kinakailangan na wasto ang paggamit ng wika upang ang tuloy-tuloy na daloy ng komunikasyon ay maging angkop o naaayon at maiwasan ang maling pagkakaunawa dito. Tumutukoy din ito sa epekto ng paggamit ng wika ng isang tao.


Pragmatiks sa Komunikasyon

Ang pragmatiks sa komunikasyon ay isang kakayahang nagpaparating ng isang tukoy na mensahe. Sapagkat ang bawat mensahe ay may lantad at di-lantad na kahulugan. Ang tagapagsalita ay mayroong sariling interpretasyon at gayundin ang tagapakinig. Nangangahulugang nakabatay sa bawat  tao ang interpretasyon ng bawat pahayag. Maaaring positibo o negatibo ang kanyang pagtanggap sa mensahe, kung kayat nararapat na unawaing maigi ang bawat mensahe nang sa gayon ay maging maayos ang pagkakaintindi rito.


Kakayahang Diskorsal

Ang kakayahang diskorsal batay sa aking pagkakaunawa ay isang komponent na nagbibigay ng kakayahan na magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa isang makabuluhang paraan. Ito ang kakayahang nagpapalinaw ng mensahe upang ito ay mas maunawaan pa ng husto ng tagatanggap ng mensahe. Nabibigyan din nito ng wasto at angkop na kahulugan ang isang mensahe. Maaari din nitong palawakin o mas mapalalim ang isang kahulugan.







Teksto at Konteksto ng Diskurso

Ang teksto ay ang tawag sa nilalaman ng babasahin na ating binabasa at nakikita sa isang diskurso. Samantala, ang konteksto ay ang uri ng elementong nakapaloob sa teksto. Samakatuwid, ang teksto ay ang siyang ating binabasa sa bawat pahina o pangungusap. Ito ang nagpapakita ng nillalaman ng isang aklat o babasahin. Ang konteksto naman ang siyang nagpapahayag ng damdamin o tumutukoy sa emosyon na nais ipabatid o iparamdam ng isang pangungusap at nagbibigay kahulugan sa nilalaman ng isang teksto.

Itong dalawa ay hindi maipaghihiwalay, sapagkat silang dalawa ay magkasama sa bawat babasahin. Anumang pahayag na ipapakita ng teksto ay bibigyan ito ng kahulugan ng konteksto. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng kahulugan ang bawat babasahin.


Pananaliksik

Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o mga datos upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. Nangangahulugan na ang pananaliksik ay isang proseso upang magkaroon ng solusyon, kasagutan at patunay ang isang suliranin o isyu. Bilang isang mag-aaral, napakaimportante ang pananaliksik. Hindi lamang dahil sa ito ay pagtutuklas, kundi ito rin ay isang pamamaraan upang mapalawak pa natin ang ating kaalaman sa mga bagay na hindi pa natin alam. Kung kaya’t itoy napakahalaga dahil ito’y lubos na nakakatulong sa lahat.




Inihanda ni:


REYMARC JASON T. TAMPOS,  Grade 11- Falcon
                Mag-aaral

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento